"Basha" Mode
May 26, 2016; 2:48 a.m. Posible nga bang magmahal muli sa parehong tao ngunit sa magkaibang panahon? Maaari pa bang ibalik ang dati'y nagdaan na? Maitatayo pa bang muli ang kastilyong naitayo ng pangarap, pag-asa at pag-ibig na winasak lamang ng takot, pagdadalawang-isip at pangangamba? Pwede pa bang umasa sa natitirang tamis ng nakaraan? Pwede pa bang bumalik? Pwede pa bang sa iyo na lang ako ulit? Pwede bang akin ka na lang muli? Pwede pa ba? Masyado akong ginagambala ng mga gising at mapagtuksong mga katanungang ito. ginagambala ako nito sa kadiliman ng gabi, sa katahimikan ng pag-iisa, sa pagpikit ng mga mata. Pwede pa nga ba akong umasa sa mahika ng "sana" o dapat na kong magising sa mapanlupig na "hindi na!"? :'(