Hindi pa o Hindi na?
Sabi nila, chase for your happiness , choose what your heart wants, take the risk . Happiness . Masaya. Pero masakit rin pala. Mali bang mahalin ulit yung taong minsang naging dahilan ng luha at sugat sa puso mo? Mali bang tanggapin yung taong minsang sumira sa tiwala at pananalig mo? Mali bang maniwala ulit sa mahika ng pag-ibig na minsang lumason sa sistema mo? Kapatawaran ba tawag don o katangahan? Malamang, sasabihin ng marami katangahan. Oo nga naman, sinuka mo na nga eh, lulunukin mo ulit? Sinaktan ka na nga eh, papasugat ka ulit? Dapat bigyan muna ng panahon bago bumigay ulit, maghintay sa tamang oras para sumubok muli. Tanging oras ang makapagpapasya kung pwede na o hindi pa. Oras. Ano nga ba talaga nagagawa ng oras? May katuturan nga ba ito sa nararamdaman at desisyon ng isang tao? Ilusyon lang ba ito? Pumipigil sa ligayang nararamdaman, o nagtatanggal sa sakit na pinapasan; kumukulong sa damdamin o nagpapalaya sa mithiin; nagdidikta kung kailan dapat magmahal o nag...