Posts

Showing posts from 2017

Kaya Kong Mag-isa

Simple lang naman ang buhay ko, maayos, kalma at hindi komplikado. Lagi kong sinasabi sa sarili na "Oo, sapat na 'to, walang gulo, hindi pa delikado". Inisip kong kaya kong mabuhay sa mundo, na ako lang at hindi kailangan ang kahit sino. Mabubuhay ako dahil kaya ko, kahit ako lang mag-isa, makakatayo ako. Kumakain akong mag-isa sa kantina. Sa loob ng aklatan, mag-isa akong nagbabasa. Umuupo ako nang mag-isa sa plaza, habang kumakain ng paborito kong kwek-kwek na mainit pa. Mag-isa akong umuuwi papunta sa amin. Gusto kong umuwi ng gabi, malamig at walang nakakapansin. Mahilig akong magpunta sa mall, kunwari may bibilhin, mas magnda nang mag-isa dahil mas tipid, bawas gastusin. Hindi ako magsasalita kung hindi ka mauuna. Kaya kong umupo ng buong oras na walang kahit isang salita. Hindi ako nagrereklamo sa kung anuman ang aking nakikita, pero ako ay nagmamasid sa bawat kilos ng madla...

Hindi pa o Hindi na?

Sabi nila, chase for your happiness , choose what your heart wants, take the risk . Happiness . Masaya. Pero masakit rin pala. Mali bang mahalin ulit yung taong minsang naging dahilan ng luha at sugat sa puso mo? Mali bang tanggapin yung taong minsang sumira sa tiwala at pananalig mo? Mali bang maniwala ulit sa mahika ng pag-ibig na minsang lumason sa sistema mo? Kapatawaran ba tawag don o katangahan? Malamang, sasabihin ng marami katangahan. Oo nga naman, sinuka mo na nga eh, lulunukin mo ulit? Sinaktan ka na nga eh, papasugat ka ulit? Dapat bigyan muna ng panahon bago bumigay ulit, maghintay sa tamang oras para sumubok muli. Tanging oras ang makapagpapasya kung pwede na o hindi pa. Oras. Ano nga ba talaga nagagawa ng oras? May katuturan nga ba ito sa nararamdaman at desisyon ng isang tao? Ilusyon lang ba ito? Pumipigil sa ligayang nararamdaman, o nagtatanggal sa sakit na pinapasan; kumukulong sa damdamin o nagpapalaya sa mithiin; nagdidikta kung kailan dapat magmahal o nag...