Kaya Kong Mag-isa
Simple lang naman ang buhay ko,
maayos, kalma at hindi komplikado.
Lagi kong sinasabi sa sarili na "Oo, sapat na 'to,
walang gulo, hindi pa delikado".
Inisip kong kaya kong mabuhay sa mundo,
na ako lang at hindi kailangan ang kahit sino.
Mabubuhay ako dahil kaya ko,
kahit ako lang mag-isa, makakatayo ako.
Kumakain akong mag-isa sa kantina.
Sa loob ng aklatan, mag-isa akong nagbabasa.
Umuupo ako nang mag-isa sa plaza,
habang kumakain ng paborito kong kwek-kwek na mainit pa.
Mag-isa akong umuuwi papunta sa amin.
Gusto kong umuwi ng gabi, malamig at walang nakakapansin.
Mahilig akong magpunta sa mall, kunwari may bibilhin,
mas magnda nang mag-isa dahil mas tipid, bawas gastusin.
Hindi ako magsasalita kung hindi ka mauuna.
Kaya kong umupo ng buong oras na walang kahit isang salita.
Hindi ako nagrereklamo sa kung anuman ang aking nakikita,
pero ako ay nagmamasid sa bawat kilos ng madla.
Mas gusto kong matulog mag-isa sa aking silid,
sa gitna ng dilim, lamig at ingay ng mga kuliglig.
Ngunit hindi ako makatulog sa mga bumabagabag sa aking isip,
mga gising na katanungan sa mga matang pilit pumipikit.
Akala ko sapat na ang kumain mag-isa,
pero parang mas masaya kung may katawanan ka.
Akala ko masarap na yung kwek-kwek na mainit pa,
pero parang mas masarap kumain kung may kasama kang lumuluha sa anghang ng suka.
Akala ko panatag na ako sa pag-uwi mula sa eskwela,
pero parang mas nakakasabik umuwi kung may hahatid sa'yo hanggang sa huling eskinita.
Akala ko mas makakatipid ako sa mall kung mag-isa,
pero parang mas masaya kung may manlilibre ng meryenda tapos ikaw na bahala sa pamasahe niya.
Akala ko sapat na yung manahimik sa isang sulok at magmukmok,
pero parang mas makabuluhan kung may makakausap ka tungkol sa gobyerno o sa dahilan ng pagkakalbo ng bundok.
Akala ko sapat nang mabuhay mag-isa,
pero mapapaisip ka sa gitna ng lungkot at awa.
Ayokong banggitin at lalong ayokong aminin,
pero hindi ko maikakailang gusto kong magmahal at mahalin.
Akala ko hindi na mahalaga ang tinitibok ng puso,
dahil natutunan kong isa lamang itong lamang-loob na nagpapadaloy sa dugo,
Pero hindi sapat ang syensya para ipaliwanag ang gamit nito,
dahil kahit sinong matalino ay kayang gawing alipin ng umiibig na puso.
Akala ko ayos lang mabuhay mag-isa,
pero nakakalungkot pala dahil walang naglakas-loob na makasama ka.
Akala ko kaya kong mag-isa,
pero hindi pala.
- Icee Galinato

Comments
Post a Comment