Simple lang naman ang buhay ko, maayos, kalma at hindi komplikado. Lagi kong sinasabi sa sarili na "Oo, sapat na 'to, walang gulo, hindi pa delikado". Inisip kong kaya kong mabuhay sa mundo, na ako lang at hindi kailangan ang kahit sino. Mabubuhay ako dahil kaya ko, kahit ako lang mag-isa, makakatayo ako. Kumakain akong mag-isa sa kantina. Sa loob ng aklatan, mag-isa akong nagbabasa. Umuupo ako nang mag-isa sa plaza, habang kumakain ng paborito kong kwek-kwek na mainit pa. Mag-isa akong umuuwi papunta sa amin. Gusto kong umuwi ng gabi, malamig at walang nakakapansin. Mahilig akong magpunta sa mall, kunwari may bibilhin, mas magnda nang mag-isa dahil mas tipid, bawas gastusin. Hindi ako magsasalita kung hindi ka mauuna. Kaya kong umupo ng buong oras na walang kahit isang salita. Hindi ako nagrereklamo sa kung anuman ang aking nakikita, pero ako ay nagmamasid sa bawat kilos ng madla...
Comments
Post a Comment